Pista nga ba sa aming baranggay?
nalimutan ba o talagang di naglagay?
sagisag ng masaganang ani sa bukid
mukhang nalimot kaya hindi na nagkabit.
Nasimulang pagdiriwang ng mga ninuno
tila binalewala na ng mga namumuno.
maraming paraan bakit hindi subukan
o sadyang ayaw dahil daw sa kautusan.
Animo mga pantas inyong inililihis
banderitas minsan lang naman ibihis
pista'y katulad ng iyong pagkapanganak
hindi ba kahit payak ikaw ay gumagayak?
Minsan lang 'sang taon itong tradisyon
palamuti ay tanda ng isang inbitasyon
nawala na ba kaluluwa ng bayanihan?
matatanda sa una labis ang kalungkutan.
Huwag sanang ipagkait sa aming henerasyon
mamalas diwa ng sasapit na pista ng nayon
sa harapan nyo lang ba magaganap ang basaan?
masaya sana kung sa buo nyong nasasakupan.
Akin pong mungkahi ay ganang akin lamang
malamang ganun din inyong nararamdaman
sabi nga nila pag ayaw maraming dahilan
ngunit pag gusto ginagawa kahit anong paraan.
Nasimulang pagdiriwang ng mga ninuno
tila binalewala na ng mga namumuno.
maraming paraan bakit hindi subukan
o sadyang ayaw dahil daw sa kautusan.
Animo mga pantas inyong inililihis
banderitas minsan lang naman ibihis
pista'y katulad ng iyong pagkapanganak
hindi ba kahit payak ikaw ay gumagayak?
Minsan lang 'sang taon itong tradisyon
palamuti ay tanda ng isang inbitasyon
nawala na ba kaluluwa ng bayanihan?
matatanda sa una labis ang kalungkutan.
Huwag sanang ipagkait sa aming henerasyon
mamalas diwa ng sasapit na pista ng nayon
sa harapan nyo lang ba magaganap ang basaan?
masaya sana kung sa buo nyong nasasakupan.
Akin pong mungkahi ay ganang akin lamang
malamang ganun din inyong nararamdaman
sabi nga nila pag ayaw maraming dahilan
ngunit pag gusto ginagawa kahit anong paraan.
galit\
ReplyDelete