Naranasan mo na ba bulsa'y maubusan
ni pambili ng yelo hindi mo mapaluwalan
halos halughugin na buong kabahayan
bente singko barya ay walang natagpuan.
Gatas ng anak pinagdamutan sa tindahan
halos magmakaawa di parin pinagbigyan.
isang hitang manok aming pagsasaluhan
halagang dose pesos ulam sa tanghalian.
Koryente'y naputulan dahil sa kawalan
perang pambayad hangang matangalan
sila'y hindi naniniwala walang pantubos
marami daw kaming ipon na di mauubos .
Nuon ako'y mayroon sila ay pinahiram
kahit dinabayaran akin lang hinayaan
ng ako na ay gipit sa kanila ay lumapit
pinautang ngunit sa tubo nama'y hinapit
Mga kapit-bahay lihim na nagtatawanan
aming kahirapan kanilang pinapalakpakan.
mga taong palalo kunyari'y kumukumusta
ngunit sa aking likuran ako ay inaalipusta.
Palibhasa ngayon ako'y naghihikahos
buhay ko ay katulad na sa busabos.
dahil ba ako'y nangangalakal na daw
mainam na ganito wag lang magnakaw.
Nakakaraos pa rin sa awa ng Diyos
buhay kong dalita patuloy sa pag-agos
pagsubok sa dibdib ko ang nagpapatibay
upang malabanan mga hamon ng buhay.
Thursday, October 25, 2012
Wednesday, October 24, 2012
" Kulaba "
Minsan halos ito'y nadarama mo na
dumi sa mata ay hindi mo pa makita.
palagi ka na lang sa malayo nakatingin
ga-mais na ang puwing di pa napansin.
Sa sobrang pagpaparaya at pagtitiwala
maiiwan kang bigla na nakatunganga.
kamalayan mo ay magdamag na himbing
hindi alintana ang kabiguan na darating.
Nakakakita ngunit bulag sa katotohanan
manhid sa katuwiran pilit pinagtatakpan
gagawin nga ang lahat ng makakayanan
kay bigat na krus sa balikat ay ipapasan.
Tanging lunas ay tungkabin na lamang
tabing sa paningin na nakahambalang
ng sa gayon kaluluwa mo ay mamulat
gumising ka na bago mahuli ang lahat.
Kung hatid ng ninanais sa puso ay pasakit
bumitaw sa mahigpit na pangungunyapit
sa pagkahandusay pilitin na makabangon
damdaming lunod sa luha'y iyo ng iaahon.
Subukang imulat diwa mong nakapinid
tunay na pag-ibig nandyan lang sa paligid.
dahan-dahan Kulaba sa mata ay linisin
karapat-dapat sa'yong puso ay kilatisin.

Tuesday, October 23, 2012
" Pananagutan "
Ugaling kayamot masyadong mapanuri
wala bang duming bahid inyong mga sarili?
mga opinyon pag hindi sa inyo pumabor
sige inyong kahol animo asong labrador.
Ngunit kapag daka sila ang nananalampak
ngiti ay abot tenga wari ay pumapalakpak
kung nais mong iba ikaw ay kapurihan?

sarili sa salami'y tignan ng iyong malaman.
Napansin nga nila mga mali mong gawa
magmuni't isipin bago ka mag-ngangawa
huwag ikadidismaya ang mga namumukol
huminahon iwasan sobrang pagmamaktol.
Mga pinagpasa-pasahang balitang narinig
patungkol man sa'yo o sa kabilang panig
manong siguraduhin alamin kung tama
napahamak na ang ilan sa maling akala.
Respeto'y pairalin lawakan ang pang-unawa
igalang karapatan ng bawat kapwa nilikha
kung mga kilos niya ay dimo nagugustuhan
ito'y 'di dahilan upang daglian mang-uyam.
Sugat ng nakaraan subukan nating lunasan
tanikala ng pagdaramdam atin ng pakawalan
siphayo't paghihiganti wala tayong maisusubi
tuldukan ang alitan iwaksi na pang-gagalaiti.
Sa mundong ito walang kahit sinong nilalang
ang maaaring mamuhay na pansarili lamang
ginagawa mo sa'yong kapwa ay PANANAGUTAN
karma'y parang kidlat,ingat malapit ka ng tamaan.

Saturday, October 20, 2012
" Banderitas "
Pista nga ba sa aming baranggay?
nalimutan ba o talagang di naglagay?
sagisag ng masaganang ani sa bukid
mukhang nalimot kaya hindi na nagkabit.
Nasimulang pagdiriwang ng mga ninuno
tila binalewala na ng mga namumuno.
maraming paraan bakit hindi subukan
o sadyang ayaw dahil daw sa kautusan.
Animo mga pantas inyong inililihis
banderitas minsan lang naman ibihis
pista'y katulad ng iyong pagkapanganak
hindi ba kahit payak ikaw ay gumagayak?
Minsan lang 'sang taon itong tradisyon
palamuti ay tanda ng isang inbitasyon
nawala na ba kaluluwa ng bayanihan?
matatanda sa una labis ang kalungkutan.
Huwag sanang ipagkait sa aming henerasyon
mamalas diwa ng sasapit na pista ng nayon
sa harapan nyo lang ba magaganap ang basaan?
masaya sana kung sa buo nyong nasasakupan.
Akin pong mungkahi ay ganang akin lamang
malamang ganun din inyong nararamdaman
sabi nga nila pag ayaw maraming dahilan
ngunit pag gusto ginagawa kahit anong paraan.

Thursday, October 18, 2012
" Kapwa "
Aanhin ba natin saan ba gagamitin
sa pupuntahan kaya ay kakailanganin?
salapi at mga ari-arian na iyong nalikom
maiiwan lang sa araw ng paghuhukom.
Mga nilalang na labis sa pag-imbot
apaw na kaban sige pa rin ang hakot
silang mga taong ayaw mag-palugi

laging uhaw at hindi mag-papahuli.
Mapang-aba sa mga kapuspalad
bakit tinampal kamay na nilahad?
kapansanan at dusing pa ay nilibak
magbigay ni kusing wala kang balak.
Lumalapit sa'yo humihingi ng tulong
iyong pinairal asal ng isang ulupong.
ganid at labis ka kung mag patong
pagmintis sa hulog iyong pakukulong.
Taumbayan inihalal kang opisyal ng bayan
ngunit inuna laman ng tyan at pagyaman
magbibigay ng kaunti tatanggap ng papuri
nasasakupan animo bulag, pipi at bingi.
Tayo'y nagmamadali saan ba ang tungo
bukas ba ay tiyak o isa lamang siguro?
manong tayo ay maghupa sa paghahapit
sobra-sobrang ninanais sa isipa'y iwaglit.
Ating alalahanin lahat ng bagay may wakas
tingkad na kulay ngayon bukas ay kukupas
paglapastangan sa kapwa pilitin humulagpos
mamuhay ng naaayon sa mata ng ating Diyos.

Monday, October 15, 2012
" Sitadel "
Halos isang linggong walang koneksyon
parang nakulong punong-puno ng tensyon.
tuwing maka-apat na oras kami ay pinupulong
pinapaliwanag gagawin pag may dumaluhong.
Hating-gabi ingay ng alarma ako'y napabalikwas
kagulo lahat sa labas papungas na kumakaripas.
lahat ay nangag tipon dito sa tawag ay Sitadel

tahimik walang imik kaba ko ay dumodorbel.
Walang anu-ano aming pinuno ay nagpahayag
panganib ay naitaboy ligtas na aming paglalayag
balik sa kabina pakiramdam ay medyo kalma na
ngunit di matulog baka alarma ay may kasunod pa.
Kinabukasan sa mga kasama ay napag alaman
may bangkang itim sumasabay saming tagiliran
pasalamat na lang at ang mga bantay ay mulat
nakaambang panganib ay dagliang nilang naiulat.
Mga mangyayari ay sadyang di maipipredikta
lalo na sa gabi pawang itim lang iyong makikita
salamat sa Diyos hindi nya kami pinabayaan
pagtawid sa somalya tila kanyang binantayan.
Sa wakas ngayon masaya na naman kami
balik na ang koneksyon may peysbuk na uli.
kaya heto kahit oras ay mag uumaga na
pinilit kong matapos upang inyo ng mabasa.

Saturday, October 6, 2012
" Laban o Bawi? "
Bansa'y tila nababalot na naman
ng pagtatakip at mga kasinungalingan
mga henyong naatasang gumawa ng batas
taumbayan unti-unti na naman dinudugas.
Pansariling adhikain isisingit pipilitin
pwesto'y mapanatili tangi nilang hangarin.
merong ilang pantas lumaban nung una
ngunit nangamba kaya ngayon bumawi na.
Pano nga namang di mang hihinayang
aba'y lampas langit kanilang pakinabang.
buwis na binabayaran ng taong bayan
animo bwitre't buwaya na pinag aagawan.
Di nila kayang mabuhay katulad natin
kaya kahit ano ay kanilang gagawin
ang tama at diretso ay babaluktutin
mali man o baliko kanilang uunatin.
Hangga't sila'y patuloy nating tatangkilikin
walang hanggang hirap ating dadanasin
hinagpis at pagdurusa'y ating sasapitin
ngitngit pagkasuklam ano ba ang ating gagawin?
Hirap tanggapin walang sadyang magagawa
watak-watak at hati-hati ang ating bansa
mapakaliwa o mapakanan ka man bumaling
pag-nagigipit na at alanganin ay bumabalimbing.

Friday, October 5, 2012
" Tamang Daan? "
Nuong kapanahunan ng kanyang ama
hindi matatawaran kanilang pakikibaka
pinaglalaban kalayaan at demokrasya
hanggang sa siya nga ay nadisgrasya.
Dalamhati ng isang butihing asawa
kung kaya't siya rin nga ay nagpasya
naumpisahan ng kabiyak ay ipagpatuloy
bayan ay iaahon sa malagkit na kumunoy.
Kalayaan ng bayan ay nakamit na naman
naibalik ang karapatan sa bawat mamamayan
demokrasya'y anong saya namin ninamnam
hanngang muli na naman nilang kinakamkam.
Anong tuwa ng madla ng ikaw ay bumulaga
dahil ngalan ng iyong ama ang iyong dala-dala
napakadali mong nakamit rurok ng tagumpay
tiwala ika'y aming kakampi at magiging kaagapay.
Mga pangako'y tila wala rin kahihinatnan
nasaan na ang sinabi mong Tamang Daan ?
mayroon ka pang sinabi kami ang yong boss
mistula ngayong hari dimababali ang iyong utos.
Kung Amat Ina mo lamang ay nabubuhay
hindi nila papayagang mawalan ng saysay
pinaglabang demokrasya at karapatan
ng dakilang lahing may dangal at kalayaan.

Thursday, October 4, 2012
" Tuso "
Ako'y natatawa sa mga pangyayari
nabaligtad na iba- iba na magkakampi
mga taong ginigipit at makabayan daw nuon
ngayon ay naghahari at umaabuso ngayon.
Mga pinaglalaban nilang mga adhikain
unti-unti tinutunaw ng pansariling hangarin
prinsipyong kaakibat ng bawat kilusan

mga pinunong nabusalan ay nagbaliktaran.
Naging gahaman mula ng magtanas
kapangyarihan at kasaganaang dinaranas
hindi na lumilingon sa pinanggalingan
sarado na ang mata at nagbibingi-bingihan.
Ngayo'y heto naman sila'y tinutuligsa
dating kakampi, kasama at kasangga.
pauli-ulit lang naman kahahantungan
pagnakasuhan sya naman ang kaaawaan.
Para saan nga ba ang mga pag-babago?
tinakpan at pininturahan lamang para maitago
mga kasaysayan at pangyayari sa ating bayan
parang teleseryeng kakabagot subaybayan.
Animo mga bida kinakawawa muna sa una
sa bandang huli sila na ang nangakatawa
tama nga ang laman ng isang kasabihan
"Sa taong tuso'y wag kang sasaklolo
kamukat-mukat mo ikaw pala'y niloloko."

Tuesday, October 2, 2012
" Sana Lang "
Ano nga ba ang mas mahalaga?
bakit nga ba ito ang inyong inuuna.
daming importanteng mga suliranin
dapat yun muna Sana Lang asikasuhin.
Iskwelahan ng mga anak ko
mainam pa kulungan ng kabayo
pinagkasya'y animnapu sa bawat kwarto
luma at kulang minsan wala pang libro.
Magkasakit sa barangay libre nga konsulta
kagamita'y di naman sapat para makapagsalba
mga libreng gamot dimo rin maasahan
mahinang klase at iilan pinipili pa ang bibigyan.
Maraming pa rin kalugar namin nag aabroad
iniiwan ang pamilya upang duon kumayod
babakasakali daw ginhawa'y makaranas
makaipon ng unti para sa darating na bukas?
Patuloy pa rin bakbakan duon sa Mindanao
kapayapaan at kaayusan tila di pa natatanaw
Muslim at Kristyano walang humpay ang labanan
bata pa lang ako iniisip ko na kung ano ang dahilan?
Dito naman sa syudad bawat pamamahay
maghapon magdamag sa telebisyon nakatunghay
buhay hinahalintulad sa kanilang napapanood
pilit ginagaya kahit ang pamumuhay ay hilahod.
Kapag may dumarating na mga sakuna
baha,lindol at kahit bagyong habagat pa
bago pa makasaklolo sa mga apektado
kailangan pang magsumamo sa mga pulitiko.
Nakawan ay laganap kahit saang lugar
minsan pare-pareho ang mga dahilan
mga taong lulong sa droga lalo na kabataan
gagawa ng paraan upang bisyo'y matustusan.
Mga esterong tiwangwang at lubak na daan
mga proyektong tila limot o nakalimutan
inumpisahan nila bago pa nga mag eleksyon
masa at motorista sisi sa pagboto sa kanila nuon.
Ano na ang nangyari sa mga naging biktima
ng madugong masaker sa isang probinsya
nakakulong na't lahat ngunit wala pa rin
hustisyang nakamit sa mga nahuling salarin.
Ating mga kasundaluhan nasa mababang rango
mababa na ang sahod sa gyera pa nakadestino
mga armas ay kulang kapag lumalaban
paano nga ba maipagtatangol ang Inang Bayan?
Bansang tsekwa Pilipinas ay nilalapastangan
pilit inaangkin lupang ipinagkanulo ng ilan
nahan mga pasimuno mistulang ponsyo pilato
naghugas ng kamay inosente sabi sa husgado.
Malaking porsyento ng bawat naghihikahos
walang makain ni walang bahay na maayos.
mga taong ito alam ba ang pinagsasabi nyo?
"Lagyan Nyo Muna Laman Kanilang Mga Plato."

Subscribe to:
Posts (Atom)